Miss Universe Catriona Gray, bumisita sa Senado

23

Nagdiwang ang buong Senado sa courtesy call ni Miss Universe Catriona Gray.

Mainit ang naging pagtanggap sa kanya ng mga empleyado at opisyal ng Senado sa pangunguna ni Senate President Tito Sotto III kasama sina Senators Gringo Honasan at Nancy Binay.

Ibinigay ni Senate President Sotto kay Catriona ang kanilang ipinasang Senate Resolution number 140 na bumabati at kumikilala sa tagumpay nito sa Miss Universe beauty pageant.

Sa resolution ay pinuri ang talino, galing at pagiging positibo ni Catriona at ang karangalan na ibinigay nito sa ating bansa at sa mga Pilipino.

Nagpasalamat naman si Catriona na nabibigyan siya ng pagkakataon na maibahagi ang kanyang tagumpay at masaya daw siya na nakikitang masaya ang mga Pilipino dahil sa kanyang panalo.

Nangako si Miss Universe Gray na patuloy na iaangat ang mga Pilipino sa international community.

Hiniling din ni Miss Universe Catriona ang surporta ng mga Pilipino sa kanyang adbokasiya na makapaglingkod sa mga komunidad.

Facebook Comments