Miss Universe PH Gazini Ganados tinanggal ang makeup sa national TV

869
Image via Binibining Pilipinas official FB page

Sinorpresa ni Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados ang publiko sa ginawa nitong pagtatanggal ng makeup sa taped episode ng “Tonight with Boy Abunda”.

Ayon kay Ganados, nagawa niya ito para patunayan sa mga bashers ang kanyang natural na kagandahan.

“Sorry, pero gusto mo tanggalin natin?” sabi ni Ganados kay Boy Abunda, TV host ng nasabing program.

Maging si Abunda nagulat sa suggested challenge nito.

Binigyan siya ng wet wipes para alisin ang suot na makeup. Matapos burahin ang eye shadow, eyebrow makeup, at foundation, ipinakita ito ni Ganados sa madla.

Dahil sa ipinamalas na katapangan sa national television, umani ng papuri mula sa maraming netizens ang Cebuana beauty queen.

Si Twitter user Diana Baklashers, hindi napigilan mapa-wow.




Para naman kay Caspie, confidently beautiful with a heart ang bagong Miss Universe Philippines.

Sabi ni netizen Mockingje, mananalo pa din si Ganados with or without makeup.

Lalo naman napamahal si Lourd Daylag sa Cebuana standout.

Layunin ni Ganados maiuwi ang pang-limang korona ng Miss Universe ngayong taon.

Facebook Comments