Itinakda na sa darating na Oktubre ang coronation night para sa Miss Universe Philippines matapos itong mapostponed dahil sa ipinatupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) bunsod ng COVID-19 pandemic.
Matatandaang unang napagkasunduan ni Miss Universe Philippines National Director Shamcey Supsup, Lee at nang pamunuan ng Miss Universe Philippines Organization na iurong sa Hunyo 2020 ang beauty pageant kasabay ng pagharap sa krisis ng Pilipinas.
Naniniwala kasi ang MUP Organization na mas kailangan ng Pilipinas ngayon ang tulong ng bawat isa kaya ito muling naurong.
Inaasahan na si Reigning Miss Universe Philippines Gazini Ganados, ang magpapasa ng korona sa unang kandidata na ipapadala ng pilipinas sa Miss Universe stage.
Facebook Comments