Miss Universe Philippines – Taguig Sandra Lemonon, hindi na muna raw sasali ng beauty pageant?

Ilang buwan matapos ang pananahimik, muling nag-trending sa social media si Miss Universe Philippines – Taguig Sandra Lemonon.

Ito ay matapos sagutin ng beauty queen ang tanong ng isang netizen kung sasali pa ba ito ng Miss Universe Philipines pageant.

Say ni Sandra, sasali lamang siya muli kung magkakaroon na ng ‘transparency’ sa nasabing patimpalak.


Una nang niyanig ng nasabing kandidata ang social media noong nag-post ito ng cryptic message tungkol sa kredibilidad ng Miss Universe Philippines.

Giit ni Sandra, isasawalat niya rin ang katotohahan sa tamang panahon.

Facebook Comments