Ikinuwento ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang mga napanalunan niyang price package.
Sa New York, titira ang Filipino-Australian beauty queen sa isang grandiyosong apartment kasama ang year-long salary bilang Miss Universe at living expenses.
Bukod dito, makatatanggap siya ng hair care products, sapatos at accessories.
Mabibigyan din siya ng dermatology at skin care services, professional health and nutrition consultation, dental services at malawak na travel kasama ang mga sponsors at charitable partners.
May access din si Catriona sa iba’t-ibang events tulad ng casting opportunities, movie premieres, screenings, broadway shows at lunch parties.
Ayon kay Catriona – excited na siya na gampanan ang kanyang duty bilang Miss Universe.
Nais din niyang ikutin ang iba’t-ibang panig ng mundo gaya ng Indonesia at Europa.
Hindi pa tiyak ni Gray kung makakasama niya ang kanyang mga pamilya at kaibigan ngayong holiday.