Miss Universe Vietnam, ibinahagi ang kanyang ‘Cinderella-story’ sa mga kabataan ng Bicol

Naging inspirasyon sa mga kabataan ang pagdating ni Miss Universe Vietnam H’hen Nie bilang isa sa mga guest speaker ng Francis Padua Papica Foundation Inc. Youth Congress sa Camarines Sur.

Malalakas na hiyawan ang bumalot sa buong Jesse M. Robredo Coliseum nang rumampa at magsalita na sa entablado ang 26-year old beauty queen na nakasama ni Miss Universe Catriona Gray sa kompetisyon noong Disyembre.

Naging panauhin sina Vice Pres. Leni Robredo, Miss Universe 2010 4th runner up Venus Raj at ilang senador.


Umabot naman sa 12,000 ang bilang ng mga estudyante na dumalo sa pagtitipon mula sa 100 paaralan sa buong Bicol Region.

Facebook Comments