Miss Vietnam, nagsalita na sa umano’y panggagaya kay Catriona Gray

Nagsalita na si Miss Vietnam Ngan Anh Le Au, na runner-up sa Miss Intercontinental sa umano ay panggagaya niya kay Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Sa kaniyang Facebook post, pinasalamatan ni Ngan ang kanyang bashers dahil naging positive minded raw siya dahil sa mga ibinatong negatibo laban sa kanya.

Nagpasalamat rin ito sa masasakit na salita na kanyang natanggap dahil ito raw ang nagpalakas sa kanya at ang dahilan para lalo niyang isulong ang kanyang adbokasiya laban sa cyber-bullying.


Maliban rito, nagpasalamat rin si Ngan sa mga tumulong sa kanyang makapasok sa top 5 ng Miss Intercontinental Pageant na ginawa sa Pilipinas maging ang kaniyang kapwa mga kandidata.

Si Ngan ay nag-train sa ilalim ng Filipino pageant camp na Kagandahan Flores.

Facebook Comments