Miss World 2013 Megan Young, sasabak sa Hollywood

Manila, Philippines – Susubukan ni Miss World 2013 Megan Young ang kanyang swerte sa Hollywood sa darating na Hulyo.

Plano ni Megan na mag-summer workshop sa United States para mas mahasa ang kanyang pag-arte sa wikang ingles.

Say ni Megan, mas sanay siyang magsalita ng tagalog o kaya naman ay taglish habang umaarte kaya naman nais niyang sanayin ang sarili sa ingles.


Mas gusto rin raw niyang matanggap sa Hollywood dahil magaling siyang umarte at hindi dahil nanalo siyang Miss World.
DZXL558

Facebook Comments