Miss World-Philippines 2017, magaganap na sa Setyembre

171

Manila, Philippines – Magiging “bigger and better” na ang Miss World Philippines ngayong 2017.
Ito ay ayon sa bagong Chairman at CEO ng Miss World Philippines na si Arnold Vegafria sa naganap na press launch kahapon sa New World Makati Hotel kung saan ibinahagi ng bagong management ang ilang pagbabago sa kompetisyon.
Maliban sa titulong Miss World Philippines, mayroon pang tatlong koronang paglalabanan ang mga kandidata: (1) Miss Eco Philippines na ipapadala sa Miss Eco International 2018 sa Alexandria, Egypt sa April 2018, (2) Reina Hispano Americana Filipinas na ipapadala sa Sta. Cruz, Bolivia ngayong Nobyembre, (3) at ang Miss Multinational Philippines na gaganapin sa New Delhi, India.
Papangalanan din ang 1st at 2nd princesses sa grand coronation night.
Higit pa roon, bagong desenyo ng korona naman ang ipapasuot sa kokoronahang miss world philippines collaboration umano ito ni 2013 Miss World Megan Young at isang hindi pa kilalang Filipino jeweler.
Pipili lamang ng tatlumpong kandidata ang nasabing kompetisyon at hanggang July 22 ang submission ng entry.
Ang press presentation ay magaganap sa New World Makati Hotel ngayong August 5 at ang grand coronation naman ay ngayong September 3 na sa SM Mall of Asia Arena.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments