Miss World Philippines 2017 na si Laura Lehmann, hindi magsasayang ng oras para sa nalalapit na Miss World pageant sa China

China – Hindi daw magsasayang ng oras ang bagong kinoronahang Miss World Philippines 2017 na si Laura Lehmann, sa paghahanda sa gaganaping miss world pageant sa China sa darating na November.

Ayon sa 24-anyos na beauty queen, bagamat mayroon lamang siyang isang buwan para maghanda para sa pageant, wala siyang sasayanging oras para dito, at maghahanda siya ng todo.

Dagdag pa nito, nais niyang irepresenta ang mga Pilipino sa abot ng kanyang makakaya kung saan aalis naman sa susunod na buwan ang beauty queen.


Full support naman ang kanyang boyfriend nitong PBA at Gilas Pilipinas player na si Von Pessumal na proud na proud sa nakuha niyang tagumpay.

Facebook Comments