Miss World Philippines, ‘disappointed’ daw kay Maureen Montagne matapos hindi tanggapin ang miss Eco International 2019 Crown

91

Disappointed si Miss World Philippines National Director Arnold Vegafria sa hindi pagtanggap ni Maureen Montagne ng Miss Eco International 2019 crown.

Sa social media post ng Miss World Ph, sinabi ni Vegafria na si Maureen ang “rightful successor ng nasabing pageant dahil siya ang dapat na koronahan matapos mabuntis ni Miss Eco International 2019 Suheyn Cipriani ng Peru.


Dagdag pa ng national director, ito na raw sana ang pagkakataon niya para makapagbigay ng karangalan sa bansa at maiuwi ang back-to-back na panalo para sa Miss Eco International 2018-2019.

Sumagot naman si Maureen sa pamamagitan ng kanyang Instagram post kung saan nanindigan itong ipagpapatuloy niya ang kaniyang journey sa Bb. Pilipinas na agad naman nitong binura.

Facebook Comments