MISSILE ATTACK | Mga OFW sa Riyadh, pinag-iingat ng embahada ng Pilipinas kasunod ng panibagong missile attack sa Saudi Arabia

23828

Manila, Philippines – Nanawagan ang embahada ng Pilipinas sa Riyadh sa mga Overseas Filipino Worker doon na maging mapagmatyag kasunod ng panibagong missile attack na target ang Riyadh.

Ayon sa statement na inilabas ng embahada, natanggap nila ang ulat hinggil sa pagpapakawala ng ballistic missile ng Houthi mula sa Yemen pero agad naman naharang ng Saudi Arabian Air Defense Systems.

Sinabi ng embahada na wala namang napaulat na may nasaktan dahil sa nasabing insidente.

Nanawagan din ang embahada sa mga Pinoy sa Riyadh na manatiling mapagmatiyag at maging kalmado.

Kinakailangan ding agad iulat kung mayroong matutukoy na panibagong pag-atake lalo na kung may maaapektuhang Pinoy.

Facebook Comments