Nanindigan ang Department of National Defense (DND) na ang deployment ng mga missile assets ng Estados Unidos sa Pilipinas sa ilalim ng joint exercises ay lehitimo, legal, at naaayon sa batas.
Ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., ang Pilipinas ay isang sovereign state at hindi doorstep ng kahit sinong bansa.
Aniya, anumang deployment at procurement ng assets na may kinalaman sa seguridad at depensa ng bansa ay nasa ilalim ng sariling kapasyahan nito bilang soberanong estado.
Iginiit din ng kalihim na ang pagpapalakas ng depensa ng bansa alinsunod sa Comprehensive Archipelagic Defense Concept ay isinasagawa batay sa pambansang interes ng Pilipinas at hindi nakatutok sa kahit anong partikular na bansa.
Facebook Comments