MISSILE LAUNCH | Pinakawalang missile ng NoKor, kayang abutin ang saan mang parte ng Amerika

Amerika – Kayang abutin ng huling pinakawalang missile ng North Korea ang saan mang parte ng Amerika.

Pagmamalaki ng komunistang bansa, ang intercontinental ballistic missile na pinakawalan kaninang madaling araw ay ang pinakamalakas na missile ng North Korea.

Kaugnay nito, tinawag na “crazy man” ni US Senator Lindsey Graham ng South Carolina si North Korean Leader Kim Jong Un.


Aniya, pabor siyang giyerahin na lang ang North Korea kung ito ang solusyon para matigil ang kanilang nuclear weapon program.

Facebook Comments