USA – Nababahala si United States Ambassador to the United Nation Nikki Haley sa ginawang missile launch test ng North Korea noong Miyerkules.
Ayon kay Haley – handa ang Amerika na depensahan ang kanilang bansa at mga kaalyado gamit ang kanilang pwersang militar kung kinakailangan.
Kasabay nito, binalaan ng opisyal ang China at iba pang bansang sumusuporta sa North Korea dahil sa magiging epketo ng ginagawang probokasyon ng Pyonyang.
Samantala, aabot ng 15 katao ang nawawala dahil sa malawakang pagbaha sa Southern Japan.
Ayon sa Japan Meteorological Agency – ngayon lang naranasan ng Japan ang ganitong kalakas na pag-ulan.
Bunsod nito, sinabi ni Chief Cabinet Secretary Yoshihide Suga na nagtatag na sila ng 7,500 na pulisya at 40 helicopter para sa rescue operation.