MISSILE TEST | Bagong unilateral sanctions sa NoKor, ipinataw

World – Nagpatupad ng bagong unilateral sanctions ang South Korea sa North Korea.

Dahil ito sa patuloy na pagsasagawa ng missile test ng Pyongyang.

Ayon sa South Korean government, inilagay sa kanilang blacklist ang 20 mga North Korean organizations gayundin ang 12 North Koreans na nagtatrabaho sa mga bangko sa South Korea.


Layon ng sanctions na ma-pressure ang North Korea na itigil ang paggawa ng nuclear weapons.

Facebook Comments