Magsasagawa ng imbestigasyon ang Department of National Defense (DND) sa missile test na inilunsad ng China sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana – nangangalap na sila ng impormasyon hinggil sa testing ng anti-ship ballistic missiles ng China.
Aminado si Lorenzana na wala siyang alam hinggil dito maliban sa mga lumalabas na balita.
Tiniyak ng DND na may kaakibat na hakbang kapag natapos ang imbestigasyon.
Facebook Comments