Missile test ng China sa WPS, dapat maimbestigahan – VP Robredo

Suportado ni Vice President Leni Robredo na magkaroon ng imbestigasyon hinggil sa pagsasagawa ng anti-ship ballistic missile test ng China sa West Philippine Sea (WPS).

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, kailangang may gawin ang gobyerno hinggil dito.

Dagdag pa ni Robredo, nakakaalarma ang missile launch at taliwas sa mga ipinapangako ng China na wala silang ginawagang militarisasyon sa pinagtatalunang karagatan.


Nagbabala rin si Robredo na maaaring ubusin ng China ang marine resources sa lugar.

Ang West Philippine Sea (WPS) ay isang bahagi ng South China Sea na pagmamay-ari ng Pilipinas base sa ruling ng arbitral court sa The Hague noong 2016.

Facebook Comments