Missile test ng North Korea, kinondena ng Japan at South Korea

Mariing kinondena ng Japan at South Korea ang ginawang missile test ng North Korea.

Ayon sa dalawang bansa, may kautusan ang United Nations sa nagsabing ipinagbabawal ang pagsagawa ng ballistic missile testing.

Habang paliwanag naman ng US Pacific Command, ang ginawa ng North Korea ay isang banta sa mga bansa at sa international community.


Nilinaw naman ng Japan na walang anumang debris silang nakita.

Ang ginawang pagpapalipad ng North Korea ng kanilang missile sa Sea of Japan ay kasunod sa naunang pagpapalipad din ng North Korea ng ballistic missiles sa Yellow Sea noong nakaraang mga araw.

Facebook Comments