Monday, January 19, 2026

Missing bride-to-be na si Sherra de Juan, nahanap na ng PNP sa Ilocos Region

Nahanap na ng Philippine National Police (PNP) si Sherra De Juan na nawawala bago ang nakatakda niyang kasal nitong buwan ng Disyembre.

Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), na-locate nila si De Juan sa Ilocos Region.

Sinabi ni QCPD Spokesperson Police Major Jennifer Ganaban saka lang nila sasabihin ang eksaktong kinaroroonan ni De Juan sakaling masundo na nila ito.

Sa ngayon ay patungo na sa lokasyon ni De Juan ang mga personnel ng QCPD Station 5 kasama ang pamilya nito.

Si De Juan at kanyang partner na si Mark Arjay Reyes ay ikakasal sana noong December 14.

Huli itong nakita sa isalng gasoline station sa North Fairview, Quezon City noong December 10.

Facebook Comments