Missing Pinoy seafarer sa Houthi missile attack, naka-assign sa engine room ng barko

Kinumpirma ni MV Tutor Captain Christian Domarique na naka-poste sa kanilang engine room ang nawawalang Pinoy seafarer sa Houthi attack.

Ayon kay Domarique, ang bahagi ng kanilang makina ang tinamaan ng missile ng Houthi.

Aniya, agad nilang hinanap ang missing second engineer pero dahil sa laki ng makina ng barko na may taas na halos limang palapag ay hindi agad nila ito nakita.


Sinabi pa ni Domarique na hindi agad nila pinansin ang namataan nilang fishing boat dahil may sakay itong dalawang tao na kalaunan ay nalaman nilang dummy lang pala at patibong.

Naging emotional naman ang kapitan habang nagpapasalamat sa mga tumulong sa kanilang mabilis na repatriation.

Tiniyak naman ni Migrants Workers Sec. Hans Leo Cacdac na magkakaroon ng salvaging operation sa MV Tutor at babalik sa laot ang rescue teams para hanapin ang nawawalang Pinoy crew.

Facebook Comments