Manila, Philippines – Inaasahang ilalabas na ngayong araw ng Department of Justice (DOJ) ang desisyon nito hinggil sa apela ng Australian nun na si Patricia Fox para sa kanyang missionary visa.
Ito rin kasi ang araw ng deadline na itinakda ng Bureau of Immigration (BI) sa madre para umalis sa Pilipinas dahil sa umano ay pagsali nito sa mga partisan political activities.
Matatandaang nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na maimbestigahan si Sister Fox bunsod ng pambabatikos nito sa pamahalaan.
Pero nanindigan si Sistex Fox na ang pagsali niya sa mga protesta ay pagsulong at pagpoprotekta lang sa karapatan ng mga mahihirap.
Iginiit rin niya na nalabag ang kanyang right to due process kaya umapela ito sa DOJ na baliktarin ang kautusan ng BI na nagkakansela sa kanyang visa.