MISTAKEN IDENTITY | 2 tanod na sangkot sa shooting incident sa Mandaluyong, iginiit na wala silang baril

Mandaluyong City – Pinabulaanan ng dalawang barangay tanod na mayroon silang mga baril at nasangkot sa naganap na pamamaril sa isang auv sa Mandaluyong City.

Ayon kina Wilmer Doron at Ernesto Fajardo – hindi nila pinaputukan ang mitsubishi adventure.

Tanging patpat lamang ang kanilang hawak nang tugisin nila ang AUV na inakala nila ay getaway vehicle ng suspek na namaril sa Barangay Addition Hills.


Anila, maling impormasyon ang ibinigay sa kanila ng mga residente sa lugar kaya nila tinugis ang naturang sasakyan.

Facebook Comments