MISTAKEN IDENTITY | Babaeng nasawi sa Mandaluyong shooting incident, nagpositibo sa paraffin test

Manila, Philippines – Nagpositibo sa paraffin test ang sampung dawit sa shootout sa Mandaluyong noong Huwebes.

Ayon kay NCRPO Director, C/Supt. Oscar Albayalde – kabilang sa mga ito ang babaeng nasawi na si Jonalyn Ambaan.

Kasama rin aniya sa mga nagpositibo ang isang kasama ni Ambaan sa AUV, dalawa mula sa grupong nagbigay ng maling impormasyon sa mga otoridad, dalawang barangay tanod at apat na tauhan ng Mandaluyong police.


Ani Albayalde – humawak ang mga ito ng baril at posibleng nagpaputok.

Samantala, kinasuhan na rin ang apat na suspek na nakaaway ng mga biktima dahil sa pagbibigay ng maling impormasyon sa mga awtoridad.

Facebook Comments