Manila, Philippines – Isa pang Barangay tanod na isinasangkot sa pag baril sa sinasakyan ng babaeng dadalin lang sa hospital sa Mandaluyong sumuko na.
Sumuko na sa mga pulis ang isa pang barangay tanod na tinuturong sangkot sa pag habol at pag baril sa kulay puting mitsubishi adventure kung saan nakasakay si Jonalyn Ambaan na dadalin lamang sa hospital.
Kung maalala kagabi tila nag kamali ang mga pulis dahil imbis na sa suspek, sasakyan ng biktima ang kanilang nahabol at pinaulanan pa ng bala matapos itimbre ng mga barangay tanod na puting sasakyan ang dapat habulin.
Nakilala ang sumukong tanod na si Ernesto Fajardo 69 na taong gulang.
Sa sinumpaang salaysay itinanggi ni Fajardo na meron siyang baril at nag paputok siya ng baril.
Sa halip itinuro nito ang 2 kasamang tanod na sina Gilberto Gulpo at William Duron.
Ayon kay Fajardo habang hinahabol ang pinag kamalang get-away vehicle ng suspek may dalang baril ang 2 kasama niyang tanod at napalayo siya ng dahil sa takot.
Gayunman isasailam parin siya sa paraffin test para malaman kung nagsasabi siya ng totoo.
Samantala sa insidente, dalawa ang naitalang patay dalawa ang sugatan na ngayon ay nagpapagaling sa hospital.
Pansamanlatang sinibak sa pwesto ang 10 pulis maging ang hepe ng Mandaluyong matapos habulin nila at tadtarin ng bala ang sasakyan ng isang babae nadadalin lamang sa hospital habang nakatakas naman ang tunay na suspek.