MISTAKEN IDENTITY | Nag-AWOL na team leader ng mga pulis na nasangkot sa Mandaluyong shooting incident, pinasusuko na ni PNP Chief

Manila, Philippines – Pinasusuko na ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald Dela Rosa ang team leader ng Mandaluyong police na sangkot sa shooting incident.

Ayon kay Dela Rosa, mabuting sumuko na lamang si Senior Inspector Maria Cristina Vasquez kaysa tugisin pa ito ng kapwa niya pulis.

Aniya, nag-Absence Without Official Leave (AWOL) si Vazquez simula nang maganap ang insidente ng mistaken identity.


Maliban kay Vazquez, pinahuhuli na rin ni Dela Rosa ang mga tanod na armado.

Ikinagalit naman ni Eliseo Aluad ang resulta ng paraffin test na nagpositibo ang live in partner niyang si Jonalyn Ambaon sa pagpapatutok ng baril.

Pero paglilinaw ni Dela Rosa, bagaman scientifically proven, inconclusive ito sa pagtukoy kung nagpaputok nga ng baril ang isang tao.

Aminado naman si Dela Rosa. nagkaroon ng pagkukulang ang mga pulis Mandaluyong na rumesponde sa lugar at ito ang dahilan para sila ay imbestigahan at makasuhan.

Dahil dito, hiniling ni Dela Rosa na maibalik ang training program ng mga pulis para maiwasan na ang mga pagkakamali sa kanilang pagresponde.

Facebook Comments