Mister, Arestado sa Kasong Paglabag sa VAWC Law!

*Cauayan City, Isabela- *Arestado ang isang mister matapos na maaresto sa kasong paglabag sa R.A 9262 o Violation of Against Woman and Children (VAWC) nang isilbi ang kanyang warrant of arrest sa Cabisera 14-16 Brgy.San Antonio, Ilagan City, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Lt.Col.Arnulfo IbaƱez, hepe ng PNP Ilagan City, ang akusado ay nakilalang si Armando Aguinaldo, 30-anyos na residente ng Brgy. Sta. Catalina, Ilagan City.

Dakong 1:30 ng hapon kahapon nang isilbi ng pulisya ang warrant of arrest ng akusado na inisyu ni Hukom Rodolfo Dizon ng RTC Branch 18, 2nd Judicial Region ng Lungsod ng Ilagan sa kasong R.A 9262 o VAWC na may criminal case # 8977.


Isinampa mismo ito ng kanyang misis dahil umano sa pananakit ng akusado.

Pansamantalang makalaya ang akusado kung makakapag-piyansa ng halagang Php.72,000.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments