Mister, Arestado sa Kasong Tangkang Pagpatay!

48

*Cauayan City, Isabela-* Arestado ang isang mister sa kasong tangkang pagpatay matapos isilbi ang kanyang warrant of arrest ng pulisya sa Purok 6, Brgy. Sto Domingo Proper, Bambang, Nueva Vizcaya.

Sa ipinarating na ulat ni P/Maj.Jobs Videz, ang akusado ay nakilalang si Elier Viernes aka Eleir/Boy, 40-anyos, may-asawa at residente sa naturang lugar.


Sa direktiba ni P/Capt. Julia Mejia OIC ng PNP Bambang ay naaresto ng kanyang kapulisan ang akusado sa bisa ng kanyang warrant of arrest na inisyu ni Hukom Paul R Attolba Jr, ng RTC Br 30, Bambang, Nueva Vizcaya na may criminal case # 5516 na may kaukulang piyansang P120,000.

Ang akusado ay pansamantalang nasa piitan ng pulisya para sa dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments

From Advertisers