Mister na Nagtangkang Manggahasa sa Asawa ng iba, Arestado!

Arestado ang isang lalaki sa tangkang panggagahasa sa isang misis sa Brgy. Bonfal Proper, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Nakilala ang suspek na Federick Duenas, 26-anyos, may-asawa, magsasaka at residente rin ng nabanggit na lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP Bayombong, dakong 10: 00 kagabi nang pasukin ni Duenas sa loob ng kuwarto ang natutulog na biktima na itinago sa pangalang Ligaya.


Nagising at nabigla ang biktima nang hawakan ng suspek ang kanyang maselang bahagi ng katawan at pinipilit umano nitong ibaba ang kanyang pang-ibabang suot.

Lumaban ang biktima kaya’t naudlot ang balak ng suspek subalit itinuloy pa rin nito ang kanyang makamundong pagnanasa sa pamamagitan ng kanyang pagsasarili.

Agad namang humingi ng saklolo ang biktima sa kanyang mga kapitbahay na nagpa-abot sa pulisya na nagresulta sa pagkaka-aresto ni Duenas.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Capt. Jolly Villar, OIC ng PNP Bayombong, posibleng matagal ng plano ng suspek na gahasain ang biktima at itinaon lamang na wala ang mister nito na kasalukuyang nasa trabaho nang mangyari ang tangkang panggagahasa.

Facebook Comments