Mister, ginunting umano ang ari ng kalaguyo ni misis

408

Nasa kustodiya na ng pulisya ang isang lalaki sa Florida matapos umano nitong putulin gamit ang gunting ang ari ng hinihinalang kabit ng kaniyang asawa.

Inaresto si Alex Bonilla, 49-anyos, nitong Linggo, nang magsumbong sa pulis ang kapitbahay na tinali, tinutukan ng baril, at pinutulan ng ari ng suspek.


Kuwento ng biktima, base sa report ng Gilchrist County Sheriff’s Office, pumasok sa kaniyang bahay si Bonilla na may dalang baril at binantaan siyang papatayin kung papalag.

Nang hindi nakapalag, dinala raw siya ng suspek sa kuwarto, itinali sa kama at saka pinutol ang kaniyang ari.

Dalawang bata ang nasa bahay ng biktima nang mangyari ang nasabing krimen.

Ayon sa pulisya, nahuli raw ni Bonilla na nagtatalik sa kanilang bahay ang kaniyang misis at ang biktima noong buwan ng Mayo.

Patong-patong na kaso ang isinampa sa suspek kabilang na ang aggravated assault, aggravated battery, at use of a firearm.

Nagpapagaling naman sa ospital ang biktima ngunit wala pang impormasyon kung naidugtong pa ba ang kaniyang ari.

Facebook Comments

From Advertisers