Mister, Kulong sa Panununtok sa Isang Barangay Tanod!

57

*S**antiago** C**ity**-* Sa kulungan ang bagsak ng isang mister na nasa impluwensiya ng nakakalasing na inumin matapos na pagsusuntukin ang barangay tanod sa Rizal, Santiago City.

Nagngingitngit pa sa galit at nagwawala pa sa prisento nang madakip ang suspek na si Fernando Beatriz, 29-anyos, may-asawa, traysikel driver at residente ng nasabing lugar.


Lumabas sa imbestigasyon ng mga otoridad na pinagbabantaan ng suspek ang na naka-duty na barangay tanod habang ito ay nagmamando ng trapiko sa kanilang barangay.

Wala umanong kaabog-abog ay pinagsusuntok ng tricycle driver ang Tanod ngunit nakailag ang biktima at nagpasaklolo sa kanyang tatlong kasamang barangay tanod.

Dahil dito, agad na hinuli ang suspek na nagbabanta pa na papatayin sila k ung makalabas ito sa kulungan kung kayat agad na tinuluyang sinampahan ng patong-patong na kaso si Beatriz.

Facebook Comments

From Advertisers