Mister na ayaw magpagawa ng banyo, hiniwalayan ng asawa

India – Kadalasang dahilan ng hiwalayan ng mga mag-asawa ang pananakit o pagkakaroon ng kabit ni mister o ni misis.

Pero sa India, isang lalaki ang hiniwalayan ng kanyang misis dahil ayaw magpagawa ng banyo sa loob ng kanilang bahay!

Sabi ni misis, torture sa kanya ang kawalan ng banyo sa loob ng limang taon nilang pagsasama.


Wala raw kasi siyang magawa kundi hintaying lumubog ang araw bago siya makadumi sa isang open field sa tabi ng kanilang bahay.

Maganda rin naman ang ibinunga ng naging usap-usapang hiwalayan nila sa kanilang lugar.

Dahil simula raw noon, nangako ang Indian government na sasagutin na nila ang pagpapatayo ng mga banyo sa lahat ng mga bahay na sisimulan sa 2019.

Facebook Comments