Mister na Binaril ang Sariling Asawa, Arestado

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang mister matapos nitong pagbabarilin ang kanyang sariling misis dahil umano sa matinding selos sa San Pablo, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Edwin Gammaru, 39-anyos, at residente ng Brgy. Dalena sa nabanggit na bayan.

Nangyari ang insidente apat (4) na taon ng nakakalipas ng barilin ng suspek ang kanyang misis Jefrin Gammaru habang ito ay nasa sayawan sa kanilang barangay.


Batay sa ulat ng PNP San Pablo, pinaghinalaan umano ng suspek na may ibang karelasyon ang kanyang misis.

Nadakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng korte na may petsang November 13, 2017 sa kasong Parricide habang walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan nito.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya ng San Pablo Police Station ang suspek para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments