Mister na naglalagay ng pera sa pantalon para ganahan maglaba si misis, viral

2564
Facebook/ Marvien Cascato

Isang mister ang nag-viral dahil sa paglalagay niya ng pera sa bulsa ng pantalon upang ganahan na maglaba ang kaniyang misis.

Ayon kay Marvien Cascato, alam niya kung gaano kahirap ang maglaba kaya nag-iiwan siya ng pang-merienda ng asawa.


Ibinahagi niya sa Facebook ang mga larawan kung saan nag-iwan siya ng P550 sa pantalon para sa kaniyang asawa.

Ani Marvien, ang ideyang ito ay para tularan ng mga kalalakihan upang matuwa ang kanilang mga asawa.

“Please lang tayong mga husband konting pag-unawa naman sa asawa natin hindi biro ang maglaba kaya dapat maisip niyo naman na tirhan niyo man lang nang kahit konting pera sa bulsa niyo,” aniya.

Dagdag ni Marvien, ang ganitong simpleng paraan ay upang maparamdam sa kanilang misis na hindi biro ang maglaba.

Aniya, dapat pinapahalagahan, mahalin ang kanilang asawa at ‘wag gawing labandera.

Umani naman ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizen ang nasabing post.

Sa kasalukuyan ay mayroon itong 6,400 reactions, 8,700 comments at 32,000 shares.

Facebook Comments

From Advertisers