Mister na umano’y nang-akusa ng pagtataksil, binuhusan ng asido ng misis

249

Dahil sa matinding galit, binuhusan ng asido ng babae mula India ang kanyang asawang nang-akusa umano ng pagtataksil.

Base sa report ng Indian news, Agosto 8 nang mangyari ang insidente sa Surajpur, Katihar kung saan nakatira ang mag-asawa nang mauwi sa awayan ang noo’y maliit na sagutan lamang.

Ito ay nagsimula umano nang maghinala ang mister na si Sanjay Kumar Mandal na may lalaki ang misis na si Bharti Devi.

Nagkaroon ng sagutan ang dalawa dahil sa naturang isyu na nauwi sa suntukan.

Agad na humingi ng saklolo si Devi sa kanyang kapatid na babae at asawa nito na nagtulong-tulong na itali ang paa’t kamay ni Mandal– na makailang saglit pa ay binuhusan ng asido ng kanyang misis.

Naisugod ang biktima sa pinakamalapit na ospital na kalauna’y inilipat din sa ibang ospital kung saan siya kasalukuyang nagpapagaling.

Mabilis ding inaresto ng pulisya ang tatlo matapos magsampa ng reklamo si Mandal.




Facebook Comments