Mister, Nagbigti matapos hiwalayan ng kanyang misis na Hapon

2362

*Cauayan City, Isabela*- Patay ang isang mister matapos magbigti sa loob ng kaniyang bahay gamit ang isang sintas ng sapatos na itinali sa kisame sa Brgy. Centro 3, Angadanan, Isabela.

Nakilala ang biktima na si Erik Ordinario, 36 anyos, may asawa at residente sa nasabing lugar.


Ayon sa imbestigasyon ni PMSg. Orlando Clemente, Imbestigador ng PNP Angadanan, lumabas sa kanilang pagsisiyasat na matapos hiwalayan ng kanyang misis na hapon na nasa bansang Japan ay nagsimula na itong mawala sa kanyang tamang pag iisip at humantong na sa kanyang pagpapatiwakal sa huli.

Dagdag pa nito na mag isa lamang ang biktima sa kanyang tinutuluyang bahay ng mangayri ang insidente.

Nangungulila naman ang mga kaanak ng biktima sa sinapit ng kanilang mahal sa buhay.

Facebook Comments