Mister, nagmaneho ng malayo habang nakalockdown dahil kailangan niya umano ng ‘break’ mula sa asawa’t anak

(Unsplash)

Isang lalaki mula United Kingdom ang nahuli matapos magmaneho ng 170-mile sa kabila ng coronavirus lockdown dahil kailangan niya umano ng ‘break’ mula sa asawa’t mga anak.

Ayon sa ulat, Linggo nang mahuli ng mga police officers ang naturang motorista malapit sa Launceston, Cornwall sa kabila ng naging rason nito sa ginawang pagmamaneho.

Sa report ng mga pulis, nais daw magkaroon ng sariling oras ng naturang lalaki na malayo sa kanyang pamilya – isang paglabag sa pagbabawal sa lugar para mapigilan ang pagkalat ng virus sa mundo.


Ayon sa isang ospiyal, itinuturing na hindi mahalagang dahilan ang maglakbay para makakuha ng “break” mula sa pamilya.

Giit pa nito, hindi rin daw katanggap-tanggap na rason ang weekend getaway na naging dahilan din ng ilang tsuper noong kaparehong araw.

Ang mga naturang insidente ay nangyari noong Linggo matapos makarekober ang UK Prime Minister, Boris Johnson mula sa COVID-19.

Samantala, naiulat na ang UK ay kasalukuyan ng nasa ikaapat na linggo ng lockdown, kung saan hindi maaaring lumabas ang mga residente mula sa kanilang mga bahay at aalis lamang kung may bibilhing mga pangangailangan.

Facebook Comments