Mister, nagpositibo sa coronavirus matapos magtungong Italy kasama ang kabit sa isang secret trip

11029
(Unsplash)

Mistulang tahimik na nagpa-panic ang isang lalaki mula United Kingdom (UK) nang magpositibo ito sa coronavirus matapos magtungong Italy kasama ang kanyang kabit.

Sa report ng the Sun, nagpaalam umano ang 30-anyos na mister sa kanyang misis na mayroong business trip sa loob lamang ng UK.


Pagkauwi raw nito galing sa nasabing paglalakbay, nakaramdam daw siya ng ilang sintomas ng virus at nang sumailalim sa test ay nakumpirmang positibo ito.

Habang nasa ospital ay inamin daw ng lalaki sa mga doktor na siya ay nanggaling sa isang secret trip kasama ang kanyang kalaguyo sa Italy.

Wala raw kaalam-alam ang kanyang misis at iniisip lang daw nito na nakuha lang niya ang sakit sa naturang bansa.

Inaasahan naman ang paggaling ng lalaki mula sa impeksyon.




Samantala, ang misis naman ng lalaki ay nanatiling mag-isa sa kanilang tahanan sa England.

Facebook Comments