MISTER, NAHULI ANG MISIS NITONG MAY KALAGUYO SA BAYAN NG TAYUG, ARESTADO

TAYUG, PANGASINAN – Huli ang isang ginang kasama ang kalaguyo nito habang natutulong matapos itong madatnan ng asawa niyang seaman na isang OFW sa bayan ng Tayug, Pangasinan.

Sa impormasyong nakalap ng iFM Dagupan sa Tayug PNP, nag-umpisa umanong malaman ng biktima ang pangangaliwa ng kanyang asawa nito lamang January ngayon taon kung saan mapansin ng anak nilang 18-years old ang pangangaliwa ng kanyang nanay.

Nagpapadala umano ng mga larawan at screenshots ng sweet conversations mula sa mga akusado ang anak nito habang sakay pa ito ng barko.


Nang makauwi na ang biktima agad itong humingi ng tulong sa kapulisan upang mahuli ang dalawa.

Sa operasyon, pasado alas 3 ng madaling araw, nadatnan ng biktima ang asawa niyang natutulog kasama ang kalaguyo nitong matagal na umano niyang kasama sa kanilang bahay.

Arestado ang ginang samantalang nakatakas at dali-daling tumakbo papalayo sa bahay ang lalaki ngunit kalaunay sumuko rin sa awtoridad.

Sasampahan ang dalawa ng kasong Adultery at kasalukuyan ng nasa kulungan ang mga ito.

Facebook Comments