MISTER, Nahuli si MISIS, SUMAKABILANG-BAHAY…Katabi si KUMPARE, Kapwa Tulog, Hubad

265

Ala mga eksena sa pelikulang THE MISTRESS ni Bea at ni John Lloyd ang mga pangyayari sa isang pamamahay sa Barangay Concepcion Pequeña sa Naga City kamakalawa bandang alas 4 ng madaling araw.
Nahuli ni Mister si Misis – SUMAKABILANG-BAHAY- at katabi si Kumpare…Tulog… Hubad.
Ayon sa report ng Naga City Police Office, si Mister na kinilalang si J. Fernandez ay may ilang araw na ring nagdududa sa kanyang Misis dahil ramdam niya ang matabang na pakikitungo nito sa kanya. Naging dahilan din ang pakiramdam nito na magsagawa ng palihim na pagsisiyasat… at hindi naglaon, nadiskubre ni Mister ang dahilan ng pagiging matabang ni Misis.
Nakumpirma ni Mister na may ibang karelasyon si Misis… – si Kumpareng AJ De Asis pa talaga na malapit niyang kaibigan.
Masakit sa kalooban ni Mister na IBANG LALAKI na pala ang nagbibigay ng buhay at kulay sa matumal at patago pero matamis na ngiti ng kanyang Misis.
Nang nakaraang araw , pasimpleng angpasada si Mister sa bahay ng kanyang Kumparing Ej De Asis sa Barangay Concepcion Pequeña, Naga City.
Tahimik siyang nakarating sa bahay ni Kumpare at nang dumungaw si Mister, halos atakehin siya sa kanyang nabungaran; – si Misis… at si Kumpare… nasa sala.. magkatabi…tulog…at kapwa hubad pang-itaas…
Kaagad na nagdesisyon si Mister na isumbong sa pulisya ang nasaksihang kataksilan ni Misis.
Pinaaresto nito ang Misis… pati na rin si Kumpareng Ej.
Kapwa sila nahaharap ngayon sa kasong adultery.
Labis ang sakit ng damdaminng sinapo ni Mister J Fernandez dahil ang pag-ibig na pinagsaluhan nila ni Misis ay nauwi lamang sa kataksilan…at mawawasak sa buwan pa talaga ng mga puso… Hindi lubos maisip ni Mister J na sa buwan pa talaga ng mga puso siya mawawalan ng minamahal at masasaktan ng labis.
Balita galing sa Naga City, na may detalyeng ibinigay ni RadyoMaN Paul Santos, Tatak RMN!
Attached photo credit to: www.papansin.com I www.angcool.com

Facebook Comments

From Advertisers