Mister, naniniwalang nasalisihan nang magising na walang underwear si misis

9645
Screenshot from Raffy Tulfo in Action YT

Dumulog ang isang lalaki sa programang “Raffy Tulfo in Action” upang humingi ng tulong para sampahan ng kaso ang asawa niyang nanlalaki.

Ayon kay Jose Embang, 39, hindi lang isa, kundi limang beses na siyang niloko ng misis niyang si Renalyn Embang, 33, OFW sa Saudi.

Unang beses aniya ay nakipagrelasyon ito sa kapwa babae, sumunod ay sa isang entertainer sa barko, pati sa kapatid ng asawa ng tiyuhin nito.


Pinatawad ni Jose ang asawa dahil aniya mahal niya ito.

Nabanggit niya rin ang isa pang hinihinala niyang nakarelasyon ni Renalyn, ang “boy” ng nanay nito na sa labas lamang ng kwarto nila natutulog.

Kuwento niya, isang gabi ay tumanggi ang asawa na makipagtalik, ngunit kinabukasan paggising niya ay nadatnan niya itong wala nang suot na panty.



Sa pagtatalo ng dalawa sa programa, inakusahan ni Renalyn si Jose ng panggagahasa, pero base sa kuwento nito, lumalabas na hindi rape ang nangyari.

PANOORIN:

Facebook Comments