Mister ng negosyanteng si Rose Nono-Lin na si Lin Wei Xiong, financial manager pala ng Pharmally Pharmaceutical Corporations

Financial Manager ng Pharmally Pharmaceutical Corporation si Lin Wei Xiong na mister ng negosyanteng si Rose Nono Lin na treasurer naman ng kompanyang Pharmally Biological.

Ibinunyag ito ni Senator Richard Gordon sa ika-17 pagdinig ng pinamumunuan niyang Blue Ribbon Committee ukol sa umano’y maanomalyang pagbili ng gobyerno ng pandemic supplies.

Ang nabanggit na impormasyon ay kinumpirma mismo ni Mohit Dargani na opisyal ng Pharmally.


Lumalabas sa pagdinig na si Lin ay may kaugnayan din kay dating President adviser Michael Yang.

Ikinadismaya naman ni Gordon, na naging tikom ang bibig ng mga opisyal ng Pharmally nang tanungin kung sino ang nag-nominate kay Lin.

Facebook Comments