Sunday, February 1, 2026

Mister ng policewoman na pinatay at itinapon, arestado ng QCPD matapos ituro ng isa sa mga naarestong suspek

Hawak na ng Criminal Investigation Unit ng Quezon City Police District (QCPD) si Police Senior Master Sergeant John Mollenido, mister ng napaslang na si Police Senior Master Sergeant Diane Marie Mollenido at ama ng walong taong gulang na si John Ysmael Mollenido.

Itinuturing na rin siyang suspek sa brutal na pagpatay sa kaniyang mag-ina.

Inaresto si PSMS Mollenido matapos itong ituro at banggitin ng car agent na si Pia Katrina Panganiban bilang umano’y nag-utos sa kanila upang isagawa ang krimen.

Nakatakda nang isailalim sa inquest proceedings ang tatlong unang naarestong suspek, kabilang sina Panganiban, ang mister nitong si Christian Suarez Panganiban — isang dating pulis — at ang kanilang kasamahan na si Gil Valdemoro Dy Jr.

Matatandaang unang natagpuan ang bangkay ni Diane Marie Mollenido sa Pulilan, Bulacan, habang makalipas ang ilang araw ay natagpuan naman ang bangkay ng walong taong gulang na bata sa Calamansi-an, Victoria, Tarlac.

Facebook Comments