Mister ni Mayor Sara Duterte, miyembro din ng Davao Group na gumagalaw sa Customs – Senator Trillanes

Manila, Philippines – Ayon kay Senator Antonio Trillanes IV, 2 beses na pumunta sa Bureau of Customs si Davao City Vice Mayor Paolo daughter habang limang beses naman si Atty. Mans Carpio na mister ni Mayor Sara Duterte.

Ito aniya ang nakuha niyang impormasyon sa testigo na plano niyang ilutang para patunayan na sina Vice Mayor Paolo at Atty. Carpio ay pareho umanong miyembro ng Davao Group.

Ang grupong ito, ayon kay Trillanes, ay nakikialam o nagmamaniobra umano ng pagpasok ng mga iligal na kontrabando sa BOC.


Sa ikalimang pagdinig ng blue ribbon committee ukol sa 6.4 billion pesos na halaga ng shabu na nakalusot sa BOC ay kinumpirma ni Customs Intelligence And Investigation Service Chief Neil Anthony Estrella na nakita niyang lumabas ng tanggapan noon ni resigned Customs Commissioner Nicanor Faeldon si Atty. Mans Carpio.

Giit ni Trillanes, walang personality at business sina Paolo at Carpio para pumunta sa BOC maliban na lang kung nais talaga ng mga ito na impluwensyahan ang operasyon sa loob ng ahensya.

Facebook Comments