MISTER, PINATAY ANG SARILING ASAWA DAHIL SA SELOS

CAUAYAN CITY- Matinding selos at galit umano ang nag-udyok sa isang mister na paslangin ang kanyang misis sa Brgy. Villaflor, San Isidro, Isabela.

Sa eksklusibong panayam ng IFM News Team sa suspek na si alyas “Rod”, mga alas kwatro o alas singko ng madaling araw nangyari ang krimen.

“Hindi ko pa nakita yung lalaki pero sa tawag narinig ko. Doon ako bumase sa mga sumbong sakin kahit noong pumupunta ako rito yung mga pinsan ko dyan nagsusumbong sila sakin pero pinabayaan ko lang dahil ayoko ngang lumapit sa kanya. Ang iniisip ko kasi pag lumapit ako sa kanya baka mag-away lang kami, masaktan ko pa eh ayoko namang masaktan ko siya dahil ayoko namang makulong dahil yung bunso ko. Eh yung kwan napuno na napuno na yung nasa utak ko eh talagang nagdesisyon na ako,” pahayag ni alyas “Rod”.


Dagdag pa niya, isang araw bago ang krimen ay nagtungo ang kanyang bunsong anak at sinabing pinalayas siya ng kanyang ina.

Dito napag-desisyunan ng suspek na isagawa ang pagpatay sa kanyang misis kung saan inabangan niya ito malapit sa kanilang tahanan bitbit ang martilyo na ginamit sa krimen.

Nanlaban umano ang asawa nya noong oras na yon kaya’t napilitan syang pukpukin ito ng martilyo at sunugin gamit ang gasolina.

“Yung masasabi ko lang sa kanila, yung nagawa ko ngayon kako pinagsisisihan ko pero kung mapatawad nila kung kaya nilang patawarin ako..pero yung ginagawa ko talagang desidido ako talaga dahil ayokong niloloko ako ng asawa ko,” dagdag pa ni alyas “Rod”.

Facebook Comments