Mister, pinutol ang ari ng umano’y rapist ng misis

Tinaga ng isang mister sa Ukraine ang ari ng isang lalaking nahuli niya umanong nanggagahasa sa kanyang misis nakaraang Oktubre 13.

Pauwi na sa kanilang bahay sa Shevchenkovo ang hindi pinangalanang 27-anyos lalaki nang maabutan niya raw ang pag-atake ng sinasabing rapist, ayon sa ulat ng The Sun nitong Oktubre 17.

Bago ang insidente, nanggaling sa malapit na restaurant ang mag-asawa para kumain kasama ang mga kaibigan.


Naunang bumalik sa apartment ang hindi pinangalanang misis bandang ala-1 ng umaga, na sinundan ng mister 10 munuto makalipas.

Habang papalapit sa apartment ang babae, sinunggaban umano siya ng sinasabing rapist na si Dmitry Ivchenko, 25, mula sa likuran habang tinatakpan ang bibig.

Nakarinig daw ng ingay mula sa mga damuhan malapit sa gusali ang lalaki at nang tingnan, nakita niya umano si Ivchenko na sinsasakal ang misis habang ginagahasa.

Agad umanong hinampas ng mister sa ulo ang suspek at saka pinutol ang ari nito gamit ang Swiss army na kutsilyo.

Kasunod ng pag-atake, nakiusap sa isang kaibigan ang gulat pa rin sa pangyayari na mister na ihatid siya sa police station kung saan inamin niya ang ginawang pinsala sa katawan ng sinasabing rapist.

Dinala naman ang suspek na rapist sa ospital upang sumailalim sa operasyon para sa kanyang ari.

Hindi naman malinaw kung naikabit muli ang naputol na bahagi pero ayon sa mga doktor, sasailalim sa mahabang gamutan ang pasyente.

Maaaring patawan ng limang taon na pagkakakulong si Ivchenko kung mapatunayan ang pananamantala, habang maaari ring makulong nang walong taon ang mister.

Facebook Comments