Mister, tinanggalan ng ari ni misis dahil umano sa pagiging babaero

4506
(DepositPhotos)

THAILAND – Labis umano ang paghagulgol ng isang 30-anyos na lalaki nang makita niya ang sariling putol na ang ari nang magising siya mula sa pagkakatulog.


Ayon sa Sawang Boriboon Medical Foundation sa Pattaya City, nagtungo raw sa kanila ang nasabing lalaki habang duguan at hawak-hawak pa ang kanyang putol na ari.

Humihingi raw ito ng medical assistance dahil sa matinding sakit na nararamdaman dahil sa ginawa umano ng kanyang misis.

Kwento raw nito, natutulog daw siya ng biglang magising dahil sa matinding hapdi at kirot na nararamdaman.

Naaktuhan pa raw niya ang pagsirit ng dugo sa maselang parte habang may hawak na kutsilyo ang kanyang misis.

Dito na raw siya agad na nagtungo sa ospital sa kabila ng kanyang kondisyon.

Samantala, ayon sa mga doktor, maaari pa naman itong maikabit ngunit mahihirapan na raw siya sa pagtayo dahil marami raw sa mahahalaga niyang ugat at litid sa ari ang nasira na.




Naikwento naman ng biktima na madalas daw silang magtalo ng misis dahil sa matinding selos nito.

Awa at sisi naman ang kanyang nararamdaman matapos ang insidente.

Facebook Comments