
Nangakong lulutasin ng Philippine National Police (PNP) ang misteryosong pagkawala ng bride-to-be sa Quezon City.
Apat na araw bago sana ang nakatakdang kasal noong Disyembre 14 nang mawala si Sherra De Juan, 30 taong gulang.
Ayon kay PNP acting Chief Police Lt. General Jose Melencio Nartatez Jr., na masusing iimbestigahan ng kapulisan ang lahat ng anggulo para matiyak ang agarang paglutas sa nasabing kaso.
Ayon pa kay Nartatez, inatasan na nya ang Special Investigation Team ng Quezon City Police District (QCPD) para tutukan ang pagkawala ng nasabing bride-to-be.
Nanawagan din si Nartatez sa publiko na makipagtulungan agad sa mga otoridad sakaling may nalalaman sa kinaroroonan ng nasabing nawawalang bride-to-be at tiniyak nya na ang mga impormasyon isisiwalat ay magiging confidential.
Kaugnay nito, nagbigay naman ng gantimpalang ₱20 libo ang fiancee nito sa makakapagturo ng kinaroroonan ng kanyang nobya.










