MISTING OPERATION, ISINAGAWA SA ISANG PAARALAN SA DAGUPAN CITY

Nagsagawa ng misting operation sa pangunguna ng Health office Environmental Health & Sanitation sa Tambac Elementary School sa Dagupan City.

Ito ay bilang pagtitiyak na magiging ligtas mula sa lamok na may dalang dengue ang mga batang mag-aaral.

Bukod dito ay sinuri at tiniyak rin ang kaligtasan at kalidad ng tubig.

Ininspeksyon rin ang ilang evacuation centers at mga silid-aralan na ginagamit sa mga paaralan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments