Mistrust issue ng pangulo kay VP Leni Robredo, alibi na lamang umano ni Pangulong Duterte

Tinawag ni Albay Rep. Edcel Lagman na “alibi” ang katwiran ni Pangulong Duterte na hindi niya mapagkatiwalaan si Bise Presidente Leni Robredo sa paghawak nito sa bagong posisyon bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs.

 

Ayon kay Lagman, kilalang kaalyado ni Robredo sa Kamara, dahilan na lamang ni Pangulong Duterte ang mistrust issue para hindi magtagumpay at mapilitang magbitiw sa pwesto si Robredo.

 

Kinwestyon ni Lagman ang motibo ni Pangulong Duterte sa pagkakatalaga nito kay Robredo sa ICAD kung sa umpisa pa lamang pala ay hindi na niya ito pinagkakatiwalaan.


 

Hindi rin naman aniya malinaw at masabi ni Pangulong Duterte kung anong “state secret” ang ibinabato nila kay Robredo na ibinahagi nito sa UN at sa Estados Unidos.

 

Duda si Lagman na ang ginagawang isyu laban kay VP Robredo sa ICAD ay para pababain ang positive response na natatanggap nito sa matapang na pagtanggap sa posisyon at sa mapayapang pamamaraan sa paglaban sa iligal na droga.

Facebook Comments